HOME

Wala Kang Katulad


Hindi tayo magkakilala,
At kailan man ay ‘di nagtagpo,
Ngunit ang ‘yong mga ginawa,
Ay madalas naririnig ko.

Ilang beses nang nakapunta,
Sa Naga na ‘yong teritoryo,
Ang mga taong nakilala,
Bukambibig ang pangalan mo.

Walang narinig na masama,
Kundi mga kabutihan mo,
Ang lugar na ‘yong pinasigla,
Ang turing sa ‘yo ay idolo.

At bago pa man nakapunta,
Du’n sa lugar na nilingap mo,
Ngalan mo ay aking nabasa,
Tampok sa isang artikulo.

At sa pagtapak ko sa Naga,
Ay labis na napagtanto,
Na sadyang karapat-dapat ka,
Sa karangalang bigay sa ‘yo.

Mula noon ay hinangad ko na,
Na sana lahat ng pulitiko,
Ay maglingkod ng tapat sa bansa,
Katulad ng paglilingkod mo.

Ngayon ang bansa ay lumuluha,
Dahil sa biglaang pagpanaw mo,
At lubos ka pang nakilala,
At minahal ng mga tao.

Ang katanungan ngayon ng madla,
Mayro’n pa bang isang katulad mo?
‘Di nasilaw sa kinang ng pera,
‘Di tulad ng ibang pulitiko.

Marahil ay may uusbong pa,
At magpanggap na katulad mo,
Subalit sa puso ng masa,
Iisa lang ang JESSE ROBREDO.

God, Where are You?


God, where are you?
That is what you utter…
when you are down,
when you are in trouble,
when you are petrified.

God, where are you?
The question you ask…
when someone leaves you,
when someone torments you,
when someone condemns you.

God, where are you?
The words you cry out…
when you’re at the end of the road,
when bleakness strikes you,
when darkness surrounds you.

Now, you are in bliss…
your sailing is not rough,
have the wealth that you desire,
you get what you want.
Do you ask where GOD is?

Ganito ang Tao


Noon, ganito ang tao, ganito tayo,
mapagkumbaba at may respeto,
may isang salita at paninindigan,
opinyon ng iba ay iginagalang.
Ang bawat isa ay may delikadesa,
laging maingat sa pananalita.

Mga pangako ay ‘di napapako,
laging matapat at may puso.
Kapakanan ng iba ang inuuna,
maunawain at ‘di mapanghusga.
Hindi mapang-api at ‘di palalo,
at sa mga api laging sumasaklolo.

Ngayon, ganito ang tao, ganito na tayo,
ang mga salita ay akin ‘yan, akin ito.
Kasalanan mo dahil mahirap ka,
wala kang utak kaya’t ika’y magdusa.
Mahirap ka at ako ay mayaman,
masdan mo ang magara kong sasakyan.

Narito ako sa harapan ninyo,
iyan ang wika ng mga pulitiko.
Tayo ay aahon mula sa kahirapan,
magandang bukas ay ating masisilayan.
Kakaway, ngingiti sabay tatalikod,
pangako’y nakalimutan nang matalisod.

Ah…ang tao ay sadyang ganyan,
pagsikad ng panahon ay sinasabayan.
Dahil ang panahon ay nagbabago,
ang malambot na puso ay nagiging bato.
Marumi at baluktot na ang isipan,
kilos ay pansariling kapakanan na lamang.