HOME

POVERTY (a haiku)















The plates lay empty
Echo the stomach craving
On table there’s none.

Lived in a shanty
So filthy the clothing wears
Sun peeps in the roof.

Walking on the streets
With wishful thinking of such
But nowhere to go.

Dream of tomorrow
That luck may shine for a while
And hardship is gone.

There’s nothing to weep
On the society blame not
Nor ask for mercy.

Stare the truth we face
In this society we lived
We fight to survive.

Dream, keep on dreaming
Pray, pray, God is there always
Just keep holding on.

RainShower















I see the rain
that showers down
and touches the leaves
of the thirsty plants.
The water then permeates
the earth and
drenches the roots
of the thirsty plants.

I see the rain
that showers down
and touches the skin
of the desiccated soil.
The water then flows
down to the river
finding its path
towards the open sea.

I see the rain
that showers down
and touches the face
of the concrete grounds.
The water then stays
and never moves down
then slowly rises
and overflows the earth.

LARAWAN















Habang nakaupo sa isang lumang silya,
Nag-iisa’t nag-iisip sa makitid na sala,
Panaka-naka’y sa kisame tumitingala,
At paminsang-minsang sumusulyap sa bukas na bintana.
Mula sa labas ay naririnig hiyaw ng mga bata,
Na masayang naglalaro sa tabing kalsada.

May pagkakataong dumadaloy ang mga alaala,
Minsa’y iniisip ang parating na umaga.

Sumisimoy din ang malamig na hanging amihan,
Na may konting kilig na dulot sa katawan,
At sa wari, sa akin ay mahinang dumuduyan,
Hatid ay antok sa pagal kong isipan.
Pilit iwinawaksi ang nararamdaman,
At ang dingding ay minsang sinulyapan,
Biglang napagkit ang pansin sa isang larawan,
Na sa bawat galaw ko ay tila nagmamanman.

Kung sana ay maaapuhap ang kasagutan,
Sa mga tanong na nasa aking isipan,
Sana aking suliranin ay iniluhog na sa larawan.

Sa kanyang mga titig at tipid na ngiti,
Na tila nang-uuyam sa puso kong sawi.
Mga piping salita ang sa bibig nya ay namumutawi,
Nais kong marinig subalit ang katahimikan ay nakakabingi.
Pinilit kong ngumiti upang lungkot ay ikubli,
At minsan pang tinitigan ang kanyang mga labi,
Inaasam na minsan pa’y may marinig kahit konti,
Kahit batid ko na siya ay isang piping saksi.