Habang nakaupo sa isang lumang silya,
Nag-iisa’t nag-iisip sa makitid na sala,
Panaka-naka’y sa kisame tumitingala,
At paminsang-minsang sumusulyap sa bukas na bintana.
Mula sa labas ay naririnig hiyaw ng mga bata,
Na masayang naglalaro sa tabing kalsada.
May pagkakataong dumadaloy ang mga alaala,
Minsa’y iniisip ang parating na umaga.
Sumisimoy din ang malamig na hanging amihan,
Na may konting kilig na dulot sa katawan,
At sa wari, sa akin ay mahinang dumuduyan,
Hatid ay antok sa pagal kong isipan.
Pilit iwinawaksi ang nararamdaman,
At ang dingding ay minsang sinulyapan,
Biglang napagkit ang pansin sa isang larawan,
Na sa bawat galaw ko ay tila nagmamanman.
Kung sana ay maaapuhap ang kasagutan,
Sa mga tanong na nasa aking isipan,
Sana aking suliranin ay iniluhog na sa larawan.
Sa kanyang mga titig at tipid na ngiti,
Na tila nang-uuyam sa puso kong sawi.
Mga piping salita ang sa bibig nya ay namumutawi,
Nais kong marinig subalit ang katahimikan ay nakakabingi.
Pinilit kong ngumiti upang lungkot ay ikubli,
At minsan pang tinitigan ang kanyang mga labi,
Inaasam na minsan pa’y may marinig kahit konti,
Kahit batid ko na siya ay isang piping saksi.

No comments:
Post a Comment
Post your comments: