
Sa
pagharap mo sa salamin,
Ano’t
tila ngayon lang napansin,
Ang
pagbabago sa hitsura,
Ang
humpak o bagsak na mukha,
Ang
malamlam na mga mata.
Ang
dahilan ba ay pagod?
O
kabataang unti-unti nang inaanod,
Kasabay
ng lumalambot na tuhod.
Subalit,
hindi ka nag-iisa,
Sa
pagbabago na ‘yong nakikita,
Sa
mga nararamdaman mo,
Ang
lakas na unti-unti’y naglalaho,
Ang
paningin na tila lumalabo.
Nasaan
na ang buhok na maganda?
Tila
kulay ulap o nauubos na,
At
wala na’ng kutis na mala-porselana.
Marahil
ay may facebook ka,
Buksan
mo at iyong makikita,
Mga
kababata mo sa inyong bayan,
Mga
dating kaklase at kaibigan,
Pansinin
mo ang kanilang kaanyuan.
Hindi
ba at katulad mo rin sila?
Lumipas
na ang dating ganda,
At
malapit nang maging lolo at lola.
Ang
mundo ay patuloy na umiikot,
Kasabay
ng buhay na masalimuot,
Kahapon
ang buhay ay ipinunla,
Umusbong,
yumabong at sumigla,
Subalit
bukas ito ay malalanta.
May
pag-aalala ba sa ‘yong isipan?
Sa
wari ko ‘yan ay walang katuturan,
Sa
pagkat lahat tayo ay may hangganan.
