HOME

sA aKing PaglisaN











Sa aking paglisan ay baon ko . . .
ang alaala n'yo,
mga matutunog na halakhak,
mga sigaw ng kagalakan,
matatamis na halik at yakap.

Sa paglalakbay ko sa malayo . . .
kayo ang nasa isip ko,
dadamhin ko ang inyong paglalambing,
iisipin ko ang inyong mga ngiti,
daldalhin ko hanggang sa paghimbing.

Ako'y maglalakbay sa dako pa roon . . .
na masasayang alaala ang baon,
walang katumbas na ligaya,
na may mga ngiti sa labi,
at sa inyo, pagmamahal ko ay mananatili.

Tumawa Ka!














Marami ang natatawa at nangungutya
sa mga tula na aking nilikha.
Marami rin ang nangingiti ng tipid,
ngunit sa wari ko sila'y napapaismid.

Subalit ako'y walang pakialam,
at patuloy na umaasam,
na sa bawat tula na maisulat,
may isipan na inut-inot na mamulat.

Libong beses man na ako'y kutyain,
maraming beses man nilang isipin,
na walang saysay ang aking mga likha,
ako'y magpapatuloy pa rin sa pagkatha.

Katulad ng Halaman










Bulaklak sa parang
kay gandang pagmasdan.
Biyaya ng kalikasan
na dapat alagaan.
Katulad ng pag-ibig
na ating iniaalay.
At pagpapahalaga sa ating
mga mahal sa buhay.

Katulad ng mga halaman
at bulaklak sa parang.
Dito sa mundo
tayong lahat ay nilalang.
May hiram na buhay
mula sa Maykapal.
Na dapat alagaan
at sa isipan ay ikintal.

Katulad ng mga halaman
may tumutubo sa ilang.
At sa aruga kadalasan
ay kulang.
May mga tao din
na nalilihis ng landas.
Nasanay sa kabuktutan
at gawaing di patas.

Halaman man sa parang
ay sinusubok din.
Sa init ng panahaon
at ihip ng hangin.
Sinusukat ang tatag
at tibay ng ugat.
Halamang matibay lang
ang tiyak na aangat.

Sa mga pagkakataon
na may pag-aalinlangan,
o sa mga panahon
na nagugulumihanan.
Hindi dapat manlumbay
bagkus ay umasam.
Na sa bagong umaga
hirap ay mapaparam.