Bakit ang tao madalas ay hindi
maintindihan.
Kapag bata ay nais na maging
matanda.
May matanda na nag-iisip
bata.
Mayroon naman na pilit na
nagmamarunong.
At mayroong nagdadamot ng kanilang
dunong.
May mga taong labis ang tiwala sa
sarili.
Ang iba naman ay sa isang tabi lamang nais
manatili.
May mga taong nag-uumapaw ang
kayabangan.
Mayroon ding salungat ang taglay na
kaugalian.
May mga taong likas na
mapagkunwari.
At mayroong puno
ng katapatan ang
pag-uugali.
May ilan na labis ang
kasakiman
Mayroon na ang sarili ay nais sa kapwa
ilaan
Alin man dito ang taglay mong
katangian.
Marapat lamang na iyong
pagnilayan.
Ang labis at kulang, dulot ay ‘di
maganda.
Isipin at gawin kung ano lamang ang
tama.
