HOME

Pangarap


Umpisa sa pagkabata ay natuto
kang mangarap
Nangarap na lumipad at abutin
ang mga ulap
Naging tagapagtanggol ng mga
taong mahihirap
Libre mo itong nalasap dahil
ika’y nangarap

Mangarap ka ng malaki o
kahit na payak
Mangarap ka ng mataas, ng saya,
at ng sarap
Mangarap kang libutin ang mundo
ng walang kahirap-hirap
Subalit, bakit ba hindi ka mangarap ng simple
at madaling malasap?

Libre para sa lahat ang umasam
at mangarap
Bakit ka maglalakad kung maaari
ka namang lumipad?
Bakit hanggang ituktok lang
ng bundok –
Kung kaya mo namang abutin
ang ulap?

Sa pangarap ay maaari kang sumikat
na parang tala
Maging isang prinsesa katulad
ni Cinderella
Maging isang mandirigma na
mahal ng madla
Ah, ang mangarap ay para sa lahat
‘di lang sa mga bata

No comments:

Post a Comment

Post your comments: