HOME

Sa Diyos ay Kumapit



Panibagong umaga na naman,
Ilang araw na ba ang nagdaan,
Tila 'di na mabilang kung ilan,
Maging mga nakalipas na buwan.


Ilang pangyayari na ang sinariwa,
At pilit na gumigising sa diwa,
Sa pagdaloy ng mga alaala,
Pinipigil ang mga mata sa pagluha.


Pilit iwinawaksi ang lungkot,
Maging ang galit at poot,
Mga pangyayaring masalimuot,
Sa sarili ay pilit na nililimot.


Hanggang kailan iuugnay ang kahapon,
Sa dinaranas na kasawian ngayon,
Kung ang lahat ay nakakahon,
Paano ang sarili maiiahon.


Hanggang kailan pa magbibilang,
Ng mga araw, linggo, at buwan,
May pag-asa pa bang maaasahan,
May liwanag pa bang makakamtan.


Sa DIYOS lamang ay mangunyapit,
Umasa at humawak ng mahigpit,
Sa bawat pagsubok na sasapit,
Sa KANYA lamang ay lumapit.

No comments:

Post a Comment

Post your comments: