HOME

Salita ng Politiko

Sa bawat sulok,
ay naririnig ang ingay
mula sa trumpa
at sasakyang kumakaripas.

Nagbubuga ng baho
ang bawat salita,
ngunit walang maamoy,
ni walang makita.

Sa bawat bigkas
ng pananalita,
may nilalabas na kabulukan
at galit ang bunganga.

Hindi mawari, hindi matantiya,
kung katotohanan ba
o kathang isip lamang.
Salita ng politiko, ikaw ang humusga.