Sa aking paglisan ay baon ko . . . ang alaala n'yo, mga matutunog na halakhak, mga sigaw ng kagalakan, matatamis na halik at yakap. Sa paglalakbay ko sa malayo . . . kayo ang nasa isip ko, dadamhin ko ang inyong paglalambing, iisipin ko ang inyong mga ngiti, daldalhin ko hanggang sa paghimbing. Ako'y maglalakbay sa dako pa roon . . . na masasayang alaala ang baon, walang katumbas na ligaya, na may mga ngiti sa labi, at sa inyo, pagmamahal ko ay mananatili.